Mga halimbawa ng pamahiin
“Basag na salamin”
Ayon sa matatanda ang mga salamin na nabasag na ay hindi na maaaring gamitin pa dahil ang sinumang gumamit ng salaming may basag na ay maaaring humantong sa kamatayan.
“BAWAL
TUMAPAK”
Sinasabing ang mga bata na hindi pa umaabot sa edad na isang taong gulang ay hindi pa maaaaring tumapak sa lupa. Kailangan muna silang “lihian” ayon sa mga matatanda bago sila hayaang tumapak sa lupa.
“Hindi dapat kapag tanghaling tapat”
Karamihan sa mga bata ay hilig na ang panghuhuli ng tutubi. Hindi naman ito masama subalit kapag tanghaling tapat hindi dapat manghuli ng tutubi o anumang insekto dahil ayon sa mga matatanda maaari silang mabiktima ng mga masasamang espirito
o mga engkanto.
“puntod”
Ang puntod ay ginagawa lamang kapag may namamatay kaya ayon sa mga matatanda,
hindi tama na gumawa tayo ng puntod kahit ito’y katuwaan lamang dahil maaaring
may mamatay kapag ito’y ginawa.
“Bintanan”
Bawat bahay ay may pintuan para magsilbing daanan para sa paglabas
at pagpasok sa ating tahanan. Subalit ang ilan ay bintana ang ginagawang daanan.Ayon sa mga matatanda,
ang pagdaan sa bintana ay maling gawi lalo na para sa mga kadalagahan dahil ang mga dalagang dumaraan sa bintana ay sinasabing maaaring magtanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento